Lumaktaw patungo sa pangunahing content

Aralin para sa Pagbabagong-loob: Pagsisisi

PAGSISISI

Kailangan maintindihan ng mga tao kung ano ang pagsisisi upang sila ay tunay na makapagsisi.

ANO ANG HINDI PAGSISISI

  1. HINDI LAMANG PAGKAKARON NG KONSENSYA - pakiramdam na may kasalanan.

    • Ang pagsisisi ay nagsisimula sa pagkakaroon ng konsensya sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu "At pagparito niya, kanyang susumbatan ang sanlibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol" (Juan 16:8). Ngunit hindi lahat ng 'nakakaramdam ng pagkakasala' ay tumitigil sa paggawa ng mga bagay na kanilang nakonsensyahan. Halimbawa - Felix sa Gawa 24:24-25.
  2. HINDI LAMANG PAGKAKAROON NG KALUNGKUTAN SA KASALANAN – paghingi ng tawad sa iyong kasalanan.

    • Ito ay kalungkutan na dumarating lamang kapag nahuli, o kapag nagdurusa sa bunga ng kasalanan. Ngunit walang pagkamuhi sa kasalanan na sapat upang ito ay talikuran. Ito ay tinatawag na makamundong kalungkutan.
    • 2 Corinto 7:10 - Sapagkat ang kalungkutang mula sa Diyos ay nagbubunga ng pagsisising tungo sa kaligtasan, na hindi pinagsisisihan; ngunit ang kalungkutan ng sanlibutan ay nagbubunga ng kamatayan.
  3. HINDI LAMANG PAGBABAGO - pagsisikap na maging mabuting tao.

    • Maraming nagsisikap sa kanilang sariling kakayahan na maging mas mabuting tao. Ngunit ang pagsisikap sa sarili ay may ugat ng sariling katuwiran na hindi kumikilala sa pangangailangan ng tulong ng Diyos. Kaya't ang tao ay walang tunay na pangangailangan na magsisi.
    • Isaias 64:6 - Ang lahat ng ating mga matuwid na gawa ay naging parang maruming basahan.
  4. HINDI PAGIGING RELIHIYOSO - pagsasagawa ng mabubuting, relihiyosong gawain.

    • Ang mga Pariseo ay napaka-relihiyoso, ngunit hinihingi ni Jesus mula sa kanila ang patunay ng tunay na pagsisisi.
    • Mateo 3:7-8 Ngunit nang makita niyang marami sa mga Pariseo at Saduceo na lumalapit sa kanyang pagbabautismo, sinabi niya sa kanila: "Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas mula sa galit na darating? Magbunga kayo ng bunga na nauukol sa pagsisisi."

ANO ANG PAGSISISI

  1. PATUNGO SA DIYOS a. PAGHINGI NG TAWAD SA DIYOS PARA SA IYONG KASALANAN. Ang tunay na pagsisisi ay kalungkutan patungo sa Diyos.

    • Maawa ka sa akin, O Diyos, ayon sa iyong tapat na pag-ibig; ayon sa iyong malaking awa ay pawiin mo ang aking mga pagsalangsang. Laban sa iyo, ikaw lamang, ako'y nagkasala at gumawa ng kasamaan sa iyong paningin, upang ikaw ay ariing ganap pag ikaw ay nagsalita, at maging malinis pag ikaw ay humatol. (Mga Awit 51:1,4) b. PAGBALIK SA DIYOS. (Zacarias 1:3) Ito ang sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat: 'Magbalik kayo sa akin,' sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat, 'at ako'y babalik sa inyo,' sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.
  2. PATUNGO SA KASALANAN a. PAG-AMIN NA ANG KASALANAN AY KASALANAN. (Mga Awit 32:5) Pagkatapos ay inamin ko ang aking kasalanan sa iyo at hindi ko tinakpan ang aking kasamaan. Aking sinabi, "Aking ipahahayag ang aking mga pagsalangsang sa Panginoon" - at pinatawad mo ang pagkakasala ng aking kasalanan. b. PAGKAMUHI SA KASALANAN. (Ezekiel 20:43) Doon ay aalalahanin ninyo ang inyong mga kilos at lahat ng mga gawa na sa pamamagitan nito ay nagpasama kayo sa inyong mga sarili, at kamumuhian ninyo ang inyong mga sarili dahil sa lahat ng kasamaan na inyong ginawa. c. PAGTIGIL AT PAGTALIKOD SA KASALANAN. (Mga Kawikaan 28:13) Ang nagtatago ng kanyang mga kasalanan ay hindi magtatagumpay, ngunit ang nagpapahayag at nagtatakwil ng mga ito ay makakatagpo ng awa. Gayundin, Roma 6:13.

  3. PATUNGO SA SARILI - pagtalikod sa sarili at pamumuhay para sa Diyos.

    • (2 Corinto 5:15) At siya'y namatay para sa lahat, upang ang mga nabubuhay ay huwag nang mabuhay para sa kanilang sarili kundi para sa kanya na namatay para sa kanila at muling nabuhay.

HAMON

Ang Diyos ay handang magpatawad, ngunit una, hinihingi Niya ang tunay na pagsisisi

  • Gawa 17:30 Noong mga nakaraang panahon, pinalampas ng Diyos ang ganoong kamangmangan, ngunit ngayon ay iniuutos niya sa lahat ng tao sa lahat ng dako na magsisi. (2 Cronica 7:14) Kung ang aking bayan, na tinatawag sa aking pangalan, ay magpapakumbaba at mananalangin at hahanapin ang aking mukha at...