PAGBABAUTISMO SA BANAL NA ESPIRITU
KASAMA SA HULING MGA SALITA NI JESUS
Basahin ang Lucas 24:46-49; Gawa 1:4,5,8.
Bago Siya umakyat sa langit, ang huling mga salita ni Cristo sa Kanyang mga alagad ay:
- Humayo kayo at ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng bansa; at
- Maghintay kayo hanggang sa kayo'y mapuspos ng kapangyarihan mula sa Itaas.
TINAWAG NA PANGAKO NG AMA
Gawa 1:4 Sa isang pagkakataon, habang siya'y kumakain kasama nila, ibinigay niya ang utos na ito: "Huwag kayong aalis sa Jerusalem, kundi hintayin ninyo ang kaloob na ipinangako ng aking Ama, na narinig ninyo sa akin."
ITO AY KAPANGYARIHAN PARA SA PAGPAPATOTOO
Gawa 1:8 Ngunit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagdating sa inyo ng Banal na Espiritu; at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kadulu-duluhan ng lupa."
UNANG EBIDENSYA SA PAMAMAGITAN NG PAG-SASALITA NG MGA WIKA
Ang pagsasalita ng mga wika ay isang kaloob ng Banal na Espiritu na ibinigay sa mananampalataya bilang isang wika ng panalangin - sa pamamagitan ng wikang panalangin na ito, tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu sa ating mga kahinaan at binibigyang kakayahan tayo na manalangin ayon sa kalooban ng Diyos.
Roma 8:26-27 Sa ganoon ding paraan, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi natin alam kung ano ang dapat nating ipanalangin, ngunit ang Espiritu mismo ang namamagitan para sa atin na may mga daing na hindi maipahayag ng mga salita. At siya na sumusuri sa ating mga puso ang nakakaalam ng isip ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa mga banal ayon sa kalooban ng Diyos.
PAANO TATANGGAPIN ANG PAGBABAUTISMO SA BANAL NA ESPIRITU
-
Hingin Ito - Ito ay isang kaloob na ipinangako ng Diyos
Lucas 11:13 – "…gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng Banal na Espiritu sa mga humihingi sa Kanya!"
-
Tanggapin Ito Sa Pamamagitan ng Pananampalataya - Simulang purihin ang Diyos habang tinatanggap mo ito.
"At siya'y kanilang sinamba at nagbalik sa Jerusalem na may malaking kagalakan. At sila'y palaging nasa templo, na nagpupuri sa Diyos." (Lucas 24:52-53)
-
Simulang magsalita ng mga wika – ikaw ang magsasalita ng iba pang mga wika, hindi ang Banal na Espiritu, ngunit ikaw ay bibigyang kakayahan ng Banal na Espiritu.
- Gawa 2:4 Lahat sila ay napuspos ng Banal na Espiritu at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu.
- Gawa 19:6 Nang ipatong ni Pablo ang kanyang mga kamay sa kanila, dumating sa kanila ang Banal na Espiritu, at sila'y nagsalita ng mga wika at nagpahayag.
ITO AY PARA SA LAHAT NG MANANAMPALATAYA
- Gawa 2:4 Lahat sila ay napuspos ng Banal na Espiritu...
- Gawa 2:38 Sumagot si Pedro, "Magsisi kayo at magpabautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo para sa kapatawaran ng inyong mga kasalanan. At tatanggapin ninyo ang kaloob ng Banal na Espiritu."
HAMON:
Kung ito ay para sa lahat ng mananampalataya, ito rin ay para sa iyo!